Madalas ang babae maghahanap ng ”Guy Bestfriend” yan. Yung kaibigan na walang ibang intensyon kundi kaibigan lang. Pero bihira lang ang nakaka survive ng ganun eh, karamihan na iinlove ang mga close friend sa isat-isa. Kaya kung isa ka sa may lalakeng kaibigan na handa ka lang damayan sa oras na malungkot ka, swerte ka.
Ang hanap ng babae eh yung lalakeng dadamay sa kanya sa oras na malungkot siya, yung lalakeng madaling kontakin para lang samahan siya sa mga lakad niya. May babaeng ganito, sweet kahit wala silang commitment.
Mas madalas maghanap ang mga babae ng ” Guy Bestfriend ” dahil alam ng mga lalake ang problema ng mga kapwa lalake. Yun lang din naman ang nagiging dahilan bakit nalulungkot ang ibang babae, dahil rin sa Lalake. Sa partner nila, o kaya sa taong may gusto sila. Alam kasi ng mga babae na walang ibang sasabihin ang lalake kundi ang totoo. Kung ano talaga ang nasa saloobin ng lalake. Hindi marunong magsinungaling sa kaibigan ang mga lalake lalo na kung babae ang kausap. Hindi kasi plastic ang mga lalake, wala masyadong insecurities hindi tulad ng ibang babae.
Maraming babae ang ganito, mas prefer ang lalake na close friend kesa sa babae. One of the boys na babae ika nga ng iba. Marami nga ang mag close friend na lalake at babae na napagkakamalang sila, dahil sa sobrang sweet lang nila.












